| Favorite of the Aziziah Boys |
Ang resipeng ito ay sapat para mapakain ang 11 masisibang naninirahan sa Aziziah.
Mga Sangkap:
12 pula ng itlog (dilaw ang tunay na kulay nyan)
4 lata ng gatas na kondensada
2 lata ng gatas na ebaporada
puting asukal
banilya
Paraan ng Pagluto:
1. Ilagay ang ebaporada sa isang mangko.
2. Ihalo ang pula ng itlog sa gatas na ebaporada. Haluin nang banayad. Pigilin ang sarili sa pagbabate. Pag binate, titigas.
3. Salain bago ihalo ang kondensada. Baket ka'nyo? Mas madaling salain habang hindi pa malapot.
4. Lagyan ng kaunting banilya.
5. Itabi ang hinalo at simulan ang paggawa ng karamel sa trey na aluminyo.
6. Ilagay ang asukal sa isang maliit na kaserola.
7. Isalang sa mababang apoy at hayaang matunaw at kumulo.
8. Bantayang maigi upang di masunog.
9. Tanggalin sa apoy kapag napansin na nagbabago na ang kulay.
10. Ibuhos sa mga aluminum trey habang mainit pa. Huwag babagal-bagal.
11. Palamigin ang karamel para mabuo bago ilagay ang hinalong itlog at gatas.
12. Pasingawan nang 40 minuto. Tingnan kung luto na sa pamamagitan ng pagtusok ng tutpik (o kahit anong stik o kutsilyo, huwag ang daliri). Luto na ito kung wala nang dumidikit sa pinantusok. Kung hilaw pa, ituloy ang pagpapasingaw nang 5 minuto pa at muling tingnan.
13. Palamigin sa pridyeder.
Paunawa:
Hindi pananagutan ng may-akda kung sakaling magka-dyabetes ang mga masisiba.
![]() |
| Lagyan ng bagong pitas na dahon ng mint (na dinidiligan ni Boomer) |












